Ano Ang Pagkakaiba Ng Madali Maging Tao Mahirap Magpakatao

Ano ang pagkakaiba ng Madali maging tao mahirap magpakatao

"Madaling maging tao, mahirap magpakatao"

Ang pangungusap na "Madaling maging tao, mahirap magpakatao" ay isang kasabihan na naglalayong makapagpahayag ng katotohanan tungkol sa buhay ng isang tao. Ipinapakita ng kasabihang ito na ang pagiging tao ay madali lamang sapagkat nilikha na tayo bilang tao samantalang mahirap magpakatao sapagkat ito ay tumutukoy sa ating personalidad at kinakailangan ang determinasyon at pagkilos.

Madaling Maging Tao

Masasabi na madaling maging tao dahil unang-una ay hindi natin pinili na mapunta sa mundong ito. Naging tao tayo at ipinanganak ng hindi natin talaga personal na hiniling, ninais, o ginawan ng paraan. Ito ay masasabing madali dahil may ibang pwersa o tao na gumawa sa ating pagiging tao.  

Mahirap Magpakatao

Sa kabaligtaran naman ay masasabing mahirap magpakatao. Ang pagpapakatao ay nangangailangan ng determinasyon, pagtatrabaho, at napakarami pang mga bagay sa mundo. Katulad na lamang ng pagsisikap. Mahirap itong gawin ng isang tao, ngunit sa pagpupursige, maaari itong makamit. Gayon din naman ang pagmamahal, mahirap magmahal lalo na kung hindi naman lahat ng taong nasa iyong paligid ay sadyang kamahal-mahal, ngunit ang paghanap ng iisa maski na maliit na dahilan upang mahalin ang mga taong iyon ay sadyang maka-taong pamamaraan.


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Halimbawa Ng Pansariling Isyu