Ano ang pagkakaiba ng Madali maging tao mahirap magpakatao "Madaling maging tao, mahirap magpakatao" Ang pangungusap na "Madaling maging tao, mahirap magpakatao" ay isang kasabihan na naglalayong makapagpahayag ng katotohanan tungkol sa buhay ng isang tao. Ipinapakita ng kasabihang ito na ang pagiging tao ay madali lamang sapagkat nilikha na tayo bilang tao samantalang mahirap magpakatao sapagkat ito ay tumutukoy sa ating personalidad at kinakailangan ang determinasyon at pagkilos. Madaling Maging Tao Masasabi na madaling maging tao dahil unang-una ay hindi natin pinili na mapunta sa mundong ito. Naging tao tayo at ipinanganak ng hindi natin talaga personal na hiniling, ninais, o ginawan ng paraan. Ito ay masasabing madali dahil may ibang pwersa o tao na gumawa sa ating pagiging tao. Mahirap Magpakatao Sa kabaligtaran naman ay masasabing mahirap magpakatao. Ang pagpapakatao ay nangangailangan ng determinasyon, pagtatrabaho, at napakarami pang mga bagay sa m...
Comments
Post a Comment