Buong Kwento Ng Anim Na Sabado Ng Beyblade.

Buong Kwento ng Anim na Sabado ng Beyblade.

Answer:

Unang sabado noong hilingin ni Rebo na magdiwang kahit di pa mismo kaarawan. Nangumbida pa ako ng maraming tao at kasabay nito ang bilin na pagbati ng "Happy Birthday Rebo!" kasama na din ang mga regalong laruan lalong lalo na ang paborito nyang beyblade.Ikalawang sabado noong nakiberthday naman sya at naglaro ng beyblade kasama ang mga pinsan.

Tatlong araw bago ang ikatlong sabado noong supresa ko syang dinalaw. Unti-unti nang naghihina si Rebo at bihira na syang ngumiti. Hindi na nito makuhang laruin ang hawak na beyblade. Unti-unti na ring nalalagas ang kanyang buhok at may dugong nadudukot sa kanyang mga gilagid.

Nang araw mismo ng ikatlong sabado ay inanyayahan ng isa kong katrabaho ang isang mascot upang magtanghal ng libre sa harap ni Rebo. Bagamat hirap ngumiti ay kita naman sa mga mata nito ang lubos na kasiyahan.Ikaapat na sabado ay ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak. Di na nito makuhang ipasok ang tali ng beyblade. Ramdam ko ang pagod nya upang mapaikot ito.

Huling sabado ng Pebrero ang ikalimang sabado, eksaktong katapusan pagkatapos ng Pebrero ay namatay ang aking anak. Namatay syang buhat ko sa aking mga bisig. Di na kami nakapag-usap ni Rebo.

Ikaanim na sabado nang paglabas ng aking anak sa hospital. Huling sabado upang masilayan sya ng mga nagmamahal sa kanya. Wala na ang beyblade at ang may ari nito, payapa nang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang magtutungo sa lugar na walang gutom, walang hirap, walang sakit.

Payapang magpapaikot ikot.


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Halimbawa Ng Pansariling Isyu

Ano Ang Pagkakaiba Ng Madali Maging Tao Mahirap Magpakatao